Scam Alert AJ Marketing A full service Digital Business Consultancy

Name of Complainant DBA
Date of ComplaintFebruary 19, 2024
Name(s) of companies complained against
Category of complaint Cyber Crime
Permanent link of complaint Right click to copy link
Share your complaint on social media for wider reach
Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail
Text of Complaint by DBA:

May nagmessage sa aking viber nag aalok ng work na mag fofollow ng influencer sa tiktok para magkaroon ng extra income nagpakilala sa akin na  

“Isabel Castillo from  AJ Marketing A full service Digital Business Consultancy.We have work opportunity for you, may I share the job details. (Position, Salary and Payment method)?

This is work from home, the job is very simple easy and flexible. Our Company cooperates  with tik-tok  Celebrities/merchants. Those  Celebrities/merchants are willing to pay to increase their popularity.

Your Position Is Social Media Influencer your role will be just to following Tik Tok celebrity pages which we provide you and send us screenshot and we will pay you 50 PESOS for one follow. We always pay instantly (within 5-10 minutes). your salary range is daily 3000-8700 pesos its depend on your number of follow the page. Payment settle daily basis.

To show you how we work, we will give you 3 Tik tok  pages , after follow the Tik tok pages send me the screenshot for confirmation we Pay you 150 PESOS

Eto ang kanyang gamit na Mobile number sa Viber
+639852723225

Binigyan nya ako ng link para makajoin sa group na ito sa papamagitan na hanapin ang tinatawag na receptionist na ngalan ay Cecile at mag install ng telegram inadd ako sa group na ito : DevWerks https://t.me/+UHPbz2XzjDo0NTFl

Noong una follow2 lang, nasa 1000+ na members and grupo na ito.  tapos sesend lang ang screenshots sa receptionist na ngalan ay Cecile sa telegram. nakakatanggap naman ako ng bayad sa mga finofollow ko. hanggang sa my task sila na need na mgcapital at para tumubo ang capital depende sa task at laki din ng pera na ilalabas mo.

nagtry ako magcapital ng 1000 pesos kc ang binibida nila ay mababalik plus 300p na commission so magging 1300p ang mbabalik sayo. eto ang link na sinend nila sakin nung ako ay mangapital. dahil sa group na iyon ay lahat ay nagsesend ng screenshots ng mga member na sadyang maiingit ka sa mga halaga ng naibabalik sa kanila
https://www.alexpal.xyz/Login/register.html

At may Nangangalang Tutor Nathaniel na ibinigay ang tinatawag na receptionist upang turuan ako kung paano ito ay sa telegram which isa itong crypto currency trade
https://t.me/GoldtutorNathel

Eto ang mga pangalan ng gcash holders na sinesendan ng pera para makawagawa ng mga task.
GCASH
HERNANITA AMOGUIS
09274706253

GCASH
BENZ RUSEEL MORGA
09274706207

GCASH
JESSEL SINGCOLAN
09274706220

GCASH
CLAUDINE DE LA CRUZ
09951630341

noong una naibalik ang aking 1000+300 pesos. Pangalawa 3000+1500 pesos.
sa aking pangalawang araw ako ay nagkamali na 5000 pesos ang aking nailabas na capital. doon na nag simula ang panloloko nila sa akin, nung naglabas ako ng 5000 sinama nila ako sa 1 grupo upang gawin ang task, nagsimula sa 5000, diko akalain na magbibigay pa daw ako ng 12k dahil hindi matatapos ang task at di maibabalik ang pera hanggat di tapos. sa pangatlong order task ako ay hiningian ako ng 21k nung matapos ko ang task ako ay dapat na kikita ng 83k total ngunit ayaw nila irelease ang aking pera dahil lampas daw ito sa 50k at need ng 35% na tax upang mairemit sa akin. once na magbayad ako ng 35% tax saka lang nila ito irerelease. hindi kona makuha ang pera ko ngayon sa kanila. na nagkakahalaga ng almost 38,000 pesos. 
Sana po ako ay matulungan nyo at imbestigahan nyo lalo na nasa libo na ang kanilang members nakakaawa po ang mga maloloko ng ganitong klaseng mga tao. 
Sana po masawata ang ganitong klaseng aktibidad.

Image Uploaded by DBA:

Scam Alert AJ Marketing A full service Digital Business Consultancy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *