Name of Complainant | |
Date of Complaint | December 4, 2023 |
Name(s) of companies complained against | Cashme, Ipeso, MOCAMOCA, Pesobuffet, quickla, SUKILOAN, surity cash |
Category of complaint | Cyber Crime |
Permanent link of complaint | Right click to copy link |
Share your complaint on social media for wider reach | |
Hindi po ako nakapagbayad ng loans ko sa mga OLA’s dahil nga po sa taas ng interest rate nila tapos ang konti lang ng natatanggap mula sa app dahil sa taas ng processing fee nila tapos may financial crisis pa akong dapat unahin bago ang Ola. Gusto ko naman bayaran, di ko naman tatakasan but ilang days pa lang akong overdue binabantaan na akong kokontakin lahat ng nasa contacts ko which is violation talaga sa Data Privacy Act. Yung isang collector sinendan pa ako nung picture ko, sisimulan na raw nyang kontakin mga tao sa reference ko pati ang kompanya na pinagtatrabahuan ko para lang daw makabayad ako. Nag ti text blast at maging sa emails ay kinukulit na nila ako. Paulit-ulit lang yung sinesend nila tapos kakasuhan daw ako ng legal department nila, ipapasa sa CIC ang mga data. Mali mali pa mga kasong isasampa nila sa akin. Fraud daw o staffa.
Image Uploaded by Jessel Ligaray: